Gasoline at Diesel: Paano Nga Ba Makatitipid?

Photo of author
Written By admin

Giving you your daily dose of fresh articles.

Nitong Lunes, inanunsyo ng mga oil company ang pag-taas ng presyo ng gasolina ng 3.60php at diesel ng 5.85php kada litro. “Mag-tipid” ay ang paulit-ulit nating naririnig mula nang magkaroon ng pandemya. Ngunit paano nga ba makatitipid lalo na sa gasolina at diesel?

Para sa mga mamamayan natin na may sariling sasakyan o kotse, malaking epekto ito lalo na kung ito ay ginagamit sa trabaho at pag-travel sa ibang lugar. Alamin ang 5 tipid tips para dito.

1. Always check the tires.

Huwag hayaan maging ‘tired’ ang gulong at siguraduhin na tama ‘yong karga ng hangin nito para hindi mahirapan ang makina ng sasakyan, at para na rin hindi kailanganin na apakan nang sagad ang gas. Isagad mo na ang lahat, ‘wag lang ang gas─ marahil iyan ang sasabihin ng ating mga millennial drivers. 

2. Regular change oil

Ugaliin na sundin ang schedule ng change oil ng ating mga sasakyan, hindi lang ito nagpapanatili ng kaayusan ng makina kundi nakatutulong din ito para makatipid sa gas. Isa sa mga changes that matter ay ang change oil.

3. Lose the unnecessary weight.

Ang mga gamit na nasa trunk ng ating sasakyan ay isa sa mga dahilan kung bakit napararami ang pag-konsumo natin ng gas. Kung maaari, tanggalin na lamang ang mga ito lalo na kung ito ay mga mabibigat na gamit na hindi naman kailangan dalhin. Kung minsan ay iyang mga pabigat ay dumadagdag sa ating mga gastusin. Kaya naman siguraduhin na iyong mga mahahalagang gamit lamang ang dalin natin kapag tayo ay bumabyahe.

4. Clean the air conditioners

Hindi maiiwasan ang pag-gamit ng aircon lalo na sa gitna ng mainit na panahon. Para makatipid sa gas, ‘wag kalilimutan ang pag-linis ng mga aircon dahil isa ito sa mga naka-aapekto sa madaling pagkaubos ng ating gas. Malakas na aircon, malakas rin sa gas. May ilan na nagsabi na pwede rin na huwag nang gumamit ng aircon kung malapit lang ang pupuntahan, “tamang baba lang ng bintana”.

5. Drive smoothly

Hindi ka lang makaiiwas sa disgrasya, makatitipid ka rin sa gas. Ika nga, banayad lang sa pag-maneho. Kung kaya natin ang “drink responsibly”, kaya rin natin ang “drive responsibly” dahil isang paraan ito para makatipid sa gas para hindi natin nabibigla ang pag-apak sa preno at gas. Ang bawat buwelo ng pagmamaneho ay may epekto sa konsumo ng gas. Nasigawan ka na noong tinuturuan ka mag-maneho, masisigawan ka muli para makatipid naman sa gas.

Para sa mga magkakaibigan na mahilig mag road trip, ito na ang sign para isama sa ambagan list ang gas ng inyong sasakyan. Maging matalino sa pag-plano ng inyong pupuntahan para hindi masayang ang gas.

Isa pang apektado ng pagtaas presyo ng gas ay ‘yong mga gumagamit ng LPG. Upang makatipid, iyong iba ay nililimitahan ang pag-gamit nito sa pag-switch na lamang muna sa pag-gamit ng uling. Mas tipid at mura nga naman iyon. Upang tumagal ang inyong mga LPG sa bahay, narito ang 5 tipid tips na pwede niyong gawin.

1. Prepare your ingredients

Hindi lamang gas ang matitipid, pati na rin ang oras sa pagluto kapag inihanda mo na ang mga rekado bago pa man buksan ang kalan. Hindi mo man naihanda ang sarili mo sa pagtaas presyo ng gas, ihanda mo na lamang ang mga rekado ng ulam ‘nyo.

2. Dry the wet

Bago isalang ang mga kawali, siguraduhin na tuyo ang mga ito. Ang mga basang kawali at kaserola ay mas kinakailangan ng gas sa pagluluto dahil matagal uminit ang mga ito kapag isinalang.

3. Thaw

Isa sa mga madalas makalimutan ay ang pag-thaw ng uulamin para sa tanghalian, katulad na lamang kapag nakalilimutan natin pindutin ang rice cooker. Isang paraan para makatipid ng gas ay ang pag-thaw ng mga karne mula sa ating freezer para mabilis ang pagluto nito at maiwasan ang undercooked na resulta lalo na kung ito ay mga pritong ulam dahil kapag ito ay nangyari, isasalang mo muli ito at dagdag konsumo nanaman sa gas.

4. Keep the lid on

Isa rin itong paraan para mas mapabilis ang pagluto ng ating pagkain dahil mas naiipon ang init kapag tinatakpan natin ang ating mga kawali at kaserola.

5. Lower the heat if necessary

Madalas hinihinaan nating ang apoy kapag natutuyuan na ang ating niluluto. Para makatipid pa lalo, kapag napansin nang lumalagpas ang apoy sa kawali o kaserola, hinaan nito upang ‘di masayang ang gas. Marami na ang nasasayang, huwag naman na tayo mag-sayang ng gas.

Maaari din na iluto nang sabay ang tanghalian at hapunan para hindi na mag-konsumo ng gas kapag mag hahanda na para sa hapunan, iyan ang sabi ng ilan nating kababayan.

“Sana all mahal” ang pinaka malaking sana all ng nakararami, pero ang pag-mahal ng gas ay maituturing na isang uri ng pagmamahal na mabigat sa bulsa. Buti pa ang gas mahal, pero ikaw? Iyan pa ang isang banat o daing (ng mga may mapait na karanasan sa pag-ibig) na ilang beses na nating narinig mag mula nang nagtaas ang gasolina. Ilan lamang sa mga nabanggit ang mga paraan upang makatipid sa gas at diesel.

Para sa mga commuters, na nangangamba sa pagtaas ng pamasahe, maaaring makatipid sa pamamagitan ng mga alternatives para makarating sa kanilang mga destinasyon. Ilan rito ay ang pag-bisikleta na lamang kung kakayanin at kung marunong mag-bisikleta, tipid ka na, nakapag-ehersisyo ka pa. Isa pa ay ang pag-sakay na lamang ng dyip o jeepney na mas mababa ang pamasahe kumpara sa tricycle. Pabiro naman na sinasabi ng mga netizens na ibenta na lamang nila ang kanilang mga motor o hindi kaya ay huwag na lamang umalis ng bahay para mas makatipid, iwas ka pa sa napapanahon na virus.

Palaging tandaan, maging wise lamang tayo palagi at maging praktikal sa mga bagay na madalas natin ginagamit. Sa kabila ng pagtaas presyo ng gasolina at diesel na naging domino effect sa iba’t ibang bahagi ng mundo, maging handa pa rin tayo sa patuloy na pagtaas nito at iba pang bagay katulad na lamang ng mga madalas natin gamitin na pang-luto sa ating mga pagkain.

Leave a Comment