May Nag-Access Ba Ng Facebook Account Mo?

Photo of author
Written By admin

Giving you your daily dose of fresh articles.

Feeling mo ba na-hacked ang Facebook account mo?

Or sa tingin mo may ibang tao na nagkaroon ng access sa Facebook mo?

Basahin ang article na ito kung paano mo malalaman kung may ibang tao ang nag-access ng Facebook account mo.

Ayon sa datos ng Statista, mayroong 73 million users ang Facebook sa Pilipinas. Naging pangunahing social media platform ng mga Pinoy ang Facebook dahil madali itong gamitin.

At kahit wala kang prepaid load or wi-fi connection ay puwedeng puwede mo gamitin ang Facebook sa pamamagitan ng Free Mode.

Narito ang paraan para i-check kung may ibang tao na gumagamit ng Facebook Account mo

  • Pindutin ang gear icon sa sa top right corner ng iyong screen para pumunta sa Settings
  • Scroll pababa hanggang makita ang Security
  • I-tap ang Security and Login
  • Pindutin ang See all sa Where you’re logged in
  • Review-hin ang mga devices at locations na nakalista. Kung may mga unusual locations at devices ka na nakikita sa listahan, maaring may ibang tao ang nag-access ng Facebook account mo.
  • Pindutin ang three dots sa gilid ng device na medjo unusual para sayo.
  • Pwede mo ito i-log-out or piliin ang Secure Account.
  • Kapag log-out ang pinili mo, malolog-out ang session na pinili mo
  • Kapag secure account ang pinili mo, tutuungan ka ng Facebook na i-scecure ang account mo.

Gaano ka-accurate ang Activity Log ng Facebook

Ang Activity Log ng Facebook ay listahan ng mga sessions ng Facebook kung saan ka naka-login.

Ang mga locations dito ay proximate lamang at maaring may konting pagkakaiba sa current location.

Dapat mong siguraduhin ang mga devices kung saan ka nakalog-in ayon sa Activity Log. For example, nakalagay ay iPhone 14 Pro Max, pero wala ka namang ganitong device, ibig sabihin may ibang tao na naka-login sa account mo.

Sa location naman. Halimabawa ay taga Metro Manila ka, tapos sa Activity Log ay may nakalagay na Davao City, pero never ka pang nakarating dito, may posibilidad na may nag-access ng Facebook account mo.

Read about: 1TB iPhone 13 Pro Max for Over P100K: Is It Worth It to Buy?

Leave a Comment